Naranasan mo nyo na ba'ng matulog sa jeep?
Masarap di ba,lalo na kung pagod na pagod ka. Kahit matigas ang pagsasandalan mo ng ulo mo okay lang. Pero ingat sa pagtulog, baka may tumulong kung ano :)
Maaga akong nagising kanina para pumasok sa trabaho. Mga 3:30 pa lang ata yun. Kaso sa wall clock namin 4:00am na.Eto ang simpleng pag-advance para di malate :)Ayoko pa sanang gumising kasi sobrang sakit ng buong katawan ko,pero no choice kailangang pumasok eh. Kunwari na lang di ko alam na advance ang oras.Gawain ko ang matulog sa jeep habang nasa byahe. Pagsakay ko pa lang ay bumagsak na mga mata ko. Sa sobrang haba ng byahe papuntang Meycauayan Bulacan, sigurado makakapagpahinga ako.
Sa sobrang sarap ng tulog ko,di ko agad namalayang nagiging unan na pala ang kaliwang balikat ko.Halos lahat ng pasahero natulog din,isa na dun ung katabi kong manong na feel na feel gawing unan ang balikat.Kabadtrip!!!Feeling ata gf ko sya at nagpapaka-sweet!HAHA!
Masakit na nga balikat ko, dinaganan pa:(. Agad kong inalis ang ulo niya,pero sa bawat preno ng jeep dumidiretso ung ulo niya sa balikat. Di na ako makaiwas dahil siksikan sa loob,kaya nalibre tuloy ng unan si Manong!
Bwisit!Itinulog ko na lang ung sama ng loob ko...
Naisip ko na lang na singilin sya paggising niya! Mahal kaya ang renta sa "instant unan" ko!
Payo lang sa mga trip matulog sa jeep...
@: Wag gawing unan ang balikat ng katabi.
Mahiya ka ka naman...
Wala ng libre sa mundo.Pati ba naman balikat ng iba gagamitin mo!
@: Mag-isip ka naman, kung talagang trip mong matulog, gawin mong unan ang sariling braso mo. Mas masarap matulog pag ganun.Pramis! Try mo yun!
@: O kaya gayahin mo to'ng si Kuya... Nag-ala Ninoy pa...may malaking problema siguro sya :)
@: Try mo din gawing to'ng style ni Ate...

No hassle! Siguaradong mahimbing ang logtu mo!
Di na sasakit ang mga braso mo sa pagsabit habang natutulog.










0 Comments:
Post a Comment